Wednesday, June 15, 2011

Jeepney

Isang lugar na maingay na puno ng mga tao
Sari-sari ang ugali at iba-iba ang estado
May mga mahihirap at meron ding mayayaman
Lahat ay may kanya-kanyang patutunguhan

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman
Mayroon palang nagbabadyang kapahamakan
Dala ng isang taong makasalanan
Puno ng galit, mapusok at walang pakialam

Ang tanging gusto lamang, masunod kanyang mga kagustuhan
Sakim at ganid sa kayamanan at kapangyarihan
Handang kumitil ng mga nilalang
Upang ang kanyang mga plano ay mapagtagumpayan

Meron ding mapagsamantala sa kapwa
Nilalamangan ang mga kaawa-awa
Ginagamit ang kanilang talino
Upang paikutin ang ibang tao

Sa kabilang banda nitong sasakyan
Mayroon din namang busilak ang mga kalooban
Tinuruan sila ng kanilang mga magulang
At iyon ay maging mabuting mamamayan

Handang tumulong kung kinakailangan
Para ang kasamaan ay kanilang mapigilan
Hindi humihingi ng kahit anong kapalit
Dahil ang kabutihan ay hindi dapat mawaglit

Katungkulan natin sa ating bayan
Huwag kaligtaan at laging isaalang-alang
Katiting na kabutihan, mamayani sa mamamayan
Dahil pag-unlad ng bayan ay abot tanaw lamang

No comments:

Post a Comment