Monday, July 4, 2011

MatE 123

Ito ang pagpapatuloy ng kwento ko sa klase na ito. Sa pangalawang pagkikita namin sa klase ay hindi na ako nagpahuli pa muli. Maaga akong pumasok at binili ko na rin ang mga kailangan para sa pagsisimula ng klase. Lingid sa kaalaman ko ay meron pala kaming maikling pagsusulit tungkol sa aming gagawing experiment. Dali-dali kong binuklat ang laboratory manual at binasa ang laman nito tungkol sa unang experiment. Madali ko namang naintindihan ang nilalaman at naghanda na ako para sa quiz.

Nang dumating si Sir ay may sinita siya agad tungkol sa tamang paggamit ng clean shoes.Dito ko napagtanto na mhigpit nga si Sir sa mga alituntunin at patakaran sa laboratory. Lalo akong naging maingat sa mga kilos ko at baka ako ay mapagalitan. Nang makapasok na kami sa loob ay sinabi niya ang mga ayaw niya na gawin ng isang mag-aaral sa kanyang klase.

Habang ginagawa namin ang unang experiment ay nagtanong siya kung sino ang may musika sa kanilang mga cellphone. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Gusto niya raw ng musika para hindi nakakaantok ang aming klase. Pwede raw makinig sa mga tugtog habang hinihintay ang susunod na gagawin.

Dito ko naisip na hindi naman pala siya seryosong tao. Mahigpit lang siya dahil ayaw niyang maging hindi maingat sa gamit ang kanyang mga mag-aaral. Nakahinga ako ng maluwag sa pangyayaring iyon. Akala ko talaga ay malas ako sa nakuha kong laboratory instructor. Iyon naman pala ay maswerte pa ako.

Hindi mo talaga basta pwedeng husgahan ang isang tao sa kung anong nakita mo sa kanyang kilos. Kailangan mo pang alamin kung bakit ginawa niya iyon upang makasiguro sa iyong iniisip tungkol sa kanya.


Wednesday, June 29, 2011

VMobile Technologies Inc

BE A LOAD DEALER/RETAILER EARN P500 up to P30,000 per Day

ARE YOU A STUDENT,UNEMPLOYED, STAY-AT-HOME MOM, TAMBAY, O PROFESSIONAL NA NAGHAHANAP NG TRABAHO, BUSINESS O EXTRA INCOME?? PUWES TAMA KA SA NAPUNTAHAN MO.


Earn from PHP500 up to PHP30,000 per day


If you are looking for a business that:


Affordable and small Capital
Requires no High Education
Can be used everywhere even abroad
Have products that a lot of people need and want
Provides leverage on PEOPLE and money


Why Choose to Market Lifetime Discount on Load/Prepaids Over Beauty and Wellness or Food Cart Franchising Business?


Based on NTC: 80 million cellphone users
Subscriber Forecast: 85 million in 2010
More than 95% of the mobile phone subscribers are prepaid.
We sent 900 million to 1 billion ‘text’ (SMS) messages daily: Texting Capital of the World
The wireless telephony penetration is expected to reach 74.1% of the population in 2010.
The average operator-wide ARPU in the Philippines is forecasted to be at US$5.47 (approximately PhP246) per user.- Expected average annual growth of 12%.




VMOBILE DEALERSHIP AND RETAILERSHIP ANG PARA SA’YO







Turn you Cellphone from an Expense-Generating Device into an Income-Generating Device. Enjoy up to total of 14% discount on Load and Prepaid Consumptions. Save and earn up to a Total of P64,500 in just 7 Months.


UNIQUE FEATURES:
1. Multi-Access – Kapag ikaw ay registered retailer o dealer, puede ka magbenta ng mahigit sa 300 eload o prepaid products, katulad ng smart, talkntext, globe, tm, sun o red mobile.
2. Multi-User – Sa isang pamilya na registered retailer o dealer, kahit sino sa pamilya ay puwedeng magbenta gamit ang isang account sa loadxtreme, saan man sila sa mundo gamit ang cellphone o internet.
3. Not Sim Dependent – Puede kang gumamit kahit anong cellphone o sim basta tandaan lang ang ID# at PIK. Kahit hindi mo dala o mawala ang sim o cellphone tuloy tuloy pa rin ang negosyo.


ADVANTAGES:
1. Convenience – You can Load to Yourself Anytime and Anywhere, No need to go to the Store to buy a load.
2. Savings – You can save up to 10-11% of cellphone load consumption and various products .
3. Security – In case of loss of phone or SIM, your money in the load wallet is still safe in the LoadXtreme Sytem.
4. Accessibility – You can use OTHER cellphone or SIM to access your LoadXtreme Account.
5. All Access Prepaid – You can access Smart, TalkNTxt, Globe, Touch Mobile, Sun, Red Mobile, Internet Cards, Online Games, PLDT, Insurance, LBC Flowers and more! You can LOAD and SELL to ALL NETWORKS!
6. Internet Based – You can Load, Reload and Transfer Load thru the loadxtreme website. Monitor all the IN and OUTS of your Load wallet.
7. Family Budget Friendly- Share your Account and PIK to your love ones so they can also use it thru their cellphone anytime and anywhere. You can also monitor your in and outs usage by simply log in the LoadXtreme website.
8. One Loadwallet for ALL 300 PRODUCTS - that you can use for almost 300 eload and prepaid products anytime, anywhere.

For More Infos, You May Contact Me at:
(GLOBE):09063036109
(SMART):09298411938

Tuesday, June 28, 2011

...ang araw na nagbago ang buhay ko

Lumaki ako sa isang middle class na pamilya. Pero kahit ganoon ay hindi ako nakaranas ng ginhawa sa aking buhay. Pito kaming magkakapatid at laging pera ang usapan ng pamilya. Kung hindi utang ay kuryente at tubig, school fees, tuition fees, projects at kung anu-ano pa. Hindi na bago sa akin ang ganitong buhay pero naisip ko rin naman na sana ay dumating ang panahon na ibang bagay naman ang pag-uusapan ng pamilya. Yung mga bagay na mas mahalaga pa sa pera. Katulad na lang halimbawa kung maayos ba ang buhay ng bawat isa sa amin. Kaya naman ako ay gumawa ng paraan para kumita ng pera sa mabuting paraan na walang linalabag na batas at walang natatapakan na tao. Hindi naman ako nabigo sa aking paghahanap. Dumating sa akin si VMobile Technologies Inc.  Noong una ay retailer  ako ng load tapos naisip ko din na maging isang dealer kung saan ay mas malaki ang income na pwede kong makuha. Matagal bago ako naging isang technopreneur o dealer, dahil na rin sa hindi ko namanage ng mabuti ang pagiging load retailer o technouser.

Dalawang taon ang lumipas bago ako naging isang ganap na technopreneur. Hindi na ako ngayon nagsayang ng oras. Dali-dali kong pinakalat sa mga kakilala ko ang LoadXtreme. May mga nahikayat din naman akong maging mga technousers. Ang masasabi nila ay hindi sila nagsisi sa pasya nilang maging isang load retailer. Isang linggo pagkatapos kong sumali ay nakabili ako agad ng pangalawang account ko na technopreneur. Mabilis ang pagbenta ng kalakal dahil sa malakas ang pangangailangan ng mga tao rito. Kahit mahirap ang buhay sa Pilipinas ay hindi mahirap ibenta ang load dahil sa patok ito sa masa at sa ating mga Pilipino.

Ang masasabi ko lang ay nararamdaman ko na ang pag-unlad ng aking buhay at ng mga taong nagtiwala sa akin nakikita sila rito sa negosyo. Hindi pa huli ang lahat para magbago ang buhay mo kaibigan. Kung gusto mong umasenso ay magtiwala ka lang at siguradong tiyak ang asenso na hinahangad mo. 

Sa mga interesadong sumali sa negosyo ay huwag mahiyang magsabi sa akin. Maaari niyo akong i-email sa email address  na ito, jaspertore@gmail.com o kaya i-text sa 09063036109. Sundin laman ang ganitong format, Name, Age, Address at ang inyong mensahe. Maraming salamat po!

Monday, June 27, 2011

...isang araw ng pagbubulay-bulay

Wala akong magawa ngayong araw kaya nandito ako nakaharap sa monitor ng computer. Nag-iisip kung ano ang magandang isulat sa aking blog ngunit mahirap pilitin ang aking sarili dahil ang aking sarili mismo ay hirap na gawin ang gusto ko. Ano ba ang halaga ng isang araw na tinatamad kang gawin ang mga bagay na dapat ay gagawin mo? Bakit kailangang may ganitong sandali sa ating buhay kung saan ay nagmumuni-muni ka sa mga bagay-bagay dito sa mundo. May puwang ba ito sa buhay ko? Ano ba ang mapapala ko sa sandaling ito?

Nakakatuwang isipin na ang Panginoon ay may sariling paraan para tayong mga nilalang sa lupa ay magkaroon ng oras upang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa ating buhay. Masama man o mabuti, basta ito ay nangyari sa atin. Hindi mahalaga kung napasama ka nito o napabuti bilang isang tao. Ang mahalaga ay matutunan natin ang mga aral na dapat ay napulot natin sa mga karanasang iyon. Marahil ay isang paraan ito ng Panginoon upang kausapin tayo sa pamamagitan ng ating konsensiya. Isang araw ng pagbubulay-bulay.

Minsan nakakatuwang isipin na ang mga simpleng araw dito sa mundo ay siya palang pinakamahalagang sandali ng ating buhay. Nagsisilbi itong bintana ng ating buhay. Dito makikita natin kung ano pa ba ang dapat nating gawin upang mabuti natin ang ating mga sarili at nang maging kaaya-aya tayo sa paningin ng ating mahal na Panginoon. 

Lahat kaya ng tao ay katulad ko na mayroong ganitong sandali ng kanilang buhay na nakakapagbalik-tanaw sila sa nakaraan at naiisip nila ang kahalagahan ng mga ito sa kanilang mga sarili? Ang hirap isipin na ang isang payak na bagay ay maaaring maging pinakakomplikado at pinakamahalaga sa ating buhay.

Sunday, June 26, 2011

MatE 123

Unang pagkikita namin sa klase. Maaga pa ay gising na ako upang hindi mahuli sa klase. Sakto naisipan kong pumunta sa opisina ng VMobile Technologies Inc. katabi lang ng Robinsons Galleria. Nagpaload ako sa dealer account ko dahil alam kung malapit ng maubos ang load wallet ng isa sa mga retailers ko. Lingid sa kaalaman ko ay napakatrapik pala sa may EDSA kaya naman ay naubos ang oras ko sa pagbiyahe papunta ng opisina at pabalik papuntang UP Diliman. Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari kaya wala na akong nagawa kung hindi ay tanggapin na lang ito kahit labag sa kalooban ko. Bandang alas diyes y media ng umaga ako dumating sa unibersidad. Dali-dali akong bumaba ng jeepney pagkatapat nito sa may Main Library at naglakad patungong National Engineering Center o NEC. Pagdating ko roon ay hinanap ko ang silid kung saan kami magkaklase. Hindi ko mahanap ang silid. Inisa-isa ko ang mga silid hanggang nakita ko ang silid namin. Hindi ako agad pumasok at tinignan kung ano ang nangyayari sa klase. Sabi ng isa kong kaklase ay huwag na akong pumasok dahil mapapasama lang daw ako sa bagong Laboratory Instructor. Naghintay na lang ako sa labas ng silid namin at hinintay na matapos ang klase. Nang lumabas ang lab instructor namin ay nakita ko na masama ang tingin nito sa akin. Parang dinuduro ako sa kanyang tingin. Hindi ako umimik dahil wala akong laban. Nang nakalayo na siya ay tinanong ko ang kaklase ko kung bakit ganoon makatingin si Sir. Sabi sa akin ay mainit daw ang dugo nito sa mga huli pumapasok ng klase.

Friday, June 24, 2011

VMobile Technologies Inc.

Who is VMobile?

VMobile Technologies Inc. (VMobile) was established in April 2008 as the latest addition to PentaCapital Group of Companies. PentaCapital is a leading independent investment house in the Philippines known for its unique expertise in debt and equity underwriting, financial advisory and project financing, especially for BOT/BLT projects, real estate, leisure and infrastructure projects. PentaCapital received its license from the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) in 2006 to engage in trust, fiduciary and investment management services.

The inception of VMobile is a renewed commitment to ensure stability and address the growth requirement of LoadXtreme®. Originally dubbed as Universal Prepaid Loading System (or UPLoadSSM), the service offering was later introduced to the public as LoadXtreme® after a successful evaluation and acceptance by subscribers. It is one of the time-tested and proven features of the mobile commerce platform developed by the founding and present technical development team of VMobile.

Following the success of the LoadXtreme® program, VMobile is now venturing into the wellness industry by forming another division, the Xtreme Wellness. VMobile has partnered with Nature Ceuticals Corporation, a company that provides quality products that are beneficial to one’s health; promotes healthy lifestyle; and practices Corporate Social Responsibility (CSR). Together with Nature Ceuticals Corporation, VMobile aims to distribute wellness products to the market through its increasing network of technopreneurs and access card users.
  
Who is LoadXtreme?

LoadXtreme is the first and revolutionary way in prepaid products distribution and marketing. The program utilizes proprietary technology established in June 2003 known as Universal Prepaid Loading System or UPLoadS. This proven platform offers 24x7 access to multi-brand prepaid products and services nationwide utilizing automated Short Messaging Service (SMS) and Internet to receive and fulfill orders for prepaid top-up PINs.

LoadXtreme also revolutionizes electronic reloading or Over-The-Air loading for wireless telephony by providing a unified fully-automated electronic load dispensing facility for Smart Buddy e-load, Globe AutoloadMax and SUN Expressload. WIth LoadXtreme, you can retail electronic top-up loads using any mobile phone without the need for any special retailer SIM!

In May 2008, LoadXtreme was absorbed and operated by VMobile Technologies Incorporated (VMOBILE). VMobile is the e-commerce arm of PENTA Capital Management Corporation.

Under PENTA Capital's guidance, VMobile is poised to fulfill its vision: To provide business opportunity to people by employing technology as the means of empowerment.


Empowerment through technology.

We believe in empowering the Filipinos through our tested Technology. We want to provide viable business opportunities to our fellowmen who want to become entrepreneurs. We want our members to realize their dreams. Most importantly, we want to make a difference by helping them to become independent and successful TECHNOPRENEURS.

VISION

We want to lead in developing solutions and applications for Corporate, Direct Sales and Non-traditional marketing thru innovative and convergent use of internet, information and communication technologies. By 2010, VMobile shall be acclaimed as the most successful company in honing world-class ‘technopreneurs‘ by integrating social networks with innovative platforms that support and promote cooperative and independent trading.
LoadXtreme® shall be lauded as Asia’s Amazon.com for prepaid products and services. Filipinos shall then be regarded as a race fit for global competition and excellence.


To empower people by creating platforms that advance entrepreneurial ingenuity using technology applications and innovations.
Due to the constant and massive growth of the telecommunications sector in Asia-Pacific region, we also aim to develop other applications that primarily target subscribers of telecoms companies.
We also aim to provide our employees with personal and career development. We shall constantly improve our customer relations and services by reducing customer-response time to the shortest possible time. Lastly, we aim to give our shareholders fair return on their equity.

Wednesday, June 22, 2011

Pag-ibig

Bakit kapag ang puso ay tumibok ang hirap ng iwasan
Hindi mo alam kung anong ang gagawin para hindi maguluhan
Sa mga nararamdaman kapag ang sinisinta ay nasa paligid lang
Nagugulumihanan at hindi malaman ang tamang hakbang

Ano ba ang dapat gawin kapag ikaw ay napana ni Kupido?
Itatago ba ang iyong nararamdaman sa kailaliman ng iyong puso
O ipagsisigawan mo sa lahat na may minamahal ka na?
Bakit kaya ang pag-ibig ay isang malatrahedyang eksena?
Hirap malaman kung mabibigo o ikaw ay liligaya

Naisip niyo na ba kung bakit may pag-ibig?
Ano ang saysay nito sa ating pagligalig?
Bakit kailangan pang mahulog sa isang dilag?
Kung ang kahahantungan man lang ay ang iyong pagkabulag

Maraming iyakan at awayan sa kapaligiran
Dugo sa dugo, laman sa laman, ito ang kapalit kung kinakailangan
Pag-ibig na makapangyarihan ay hindi mapipigilan
Lahat ay gagawin para lamang makamtan

Ngunit bakit kailangan may mangyaring patayan
Kung ang pag-ibig ay maaaring mapag-usapan
Mahinahon, malumanay at walang sigawan
E, di sana walang nagkakasakitan

Friday, June 17, 2011

Bagay-bagay sa Mundo

Kapag meron tayo ng isang bagay hindi natin agad malaman kung ano ang halaga nito sa atin hanggang sa tuluyan na itong mawala. Sa puntong ito, saka lamang papasok sa ating isipan ang kahalagahan ng bagay na iyon. Lingid sa kaalaman natin, madalas nating ginagawa ang ugaling ito. Hindi natin namamalayan pero ganito talaga tayo. Minsan ng nangyari sa akin na marami akong pera. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kaya kung ano na lang ang pumasok sa isip ko ay pagkakagastusan ko. Makalipas lamang ang ilang araw ay may biglang bayarin na dumating at doon ko lang naisip na sana ay nilikom ko na lang ang pera para kung mayroong kagipitan na dumating ay meron akong magagamit. Nakakainis isipin pero totoo talaga siya. Kaya madalas kapag wala akong pera ay pinaplano ko na kung saan ko ilalaan ang pera ko. Para kapag meron na ay magagamit ko ito ng wasto sa aking mga tunay na pangangailangan at hindi sa kung anu-anong gastusin lamang.

Marami sa ating mga Pilipino na mahilig pagkagastusan ang mga hindi talaga kailangan kaysa sa pangunahing kailangan natin sa pang-araw-araw. Marahil ay dala na rin ng ating kultura at kagustuhang kumawala sa hirap ng buhay. May iba na bumibili ng gamit tulad ng cellphone na touch screen at may camera pa na 8 mega pixel kung baga. Meron namang nakakalimutan ang problema sa pagbili ng laptop at pagpapakabit ng Internet. Walang ginawa kung hindi ay mag-surf sa Internet at makipag-chat kung kani-kanino. Pero lingid sa kaalaman nila ay hindi nila kinakaharap ang tunay na problema. Ang dapat gawin ay harapin ito sa pamamagitan ng tamang paggamit sa kung anong meron tayo at pagpapahalaga sa gamit nito. 

Lahat ng bagay sa mundo ay may halaga. Hindi nga lang natin alam kung kailan natin ito kakalinganin. Maaaring sa oras ng kagipitan ay nagkakaroon ng halaga ang isang walang kwentang bagay sa atin o hindi kaya ito ay nagagamit sa pagsagip sa buhay ng iba. Maraming paraan kung paano ito napapakinabangan. Minsan nga lang ay ginagamit ito sa masama kaya naman pumapangit ang tingin sa bagay na ito. Nakaukit na sa bagay na ito ang karahasan sa maaring idulot nito sa atin. Sana ay marunong tayong tumingin sa posibilidad ng mga bagay na maaring mangyari sa atin kapag pinabayaan natin at hindi iningatan at pinahalagahan ang isang bagay.

Wednesday, June 15, 2011

Jeepney

Isang lugar na maingay na puno ng mga tao
Sari-sari ang ugali at iba-iba ang estado
May mga mahihirap at meron ding mayayaman
Lahat ay may kanya-kanyang patutunguhan

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman
Mayroon palang nagbabadyang kapahamakan
Dala ng isang taong makasalanan
Puno ng galit, mapusok at walang pakialam

Ang tanging gusto lamang, masunod kanyang mga kagustuhan
Sakim at ganid sa kayamanan at kapangyarihan
Handang kumitil ng mga nilalang
Upang ang kanyang mga plano ay mapagtagumpayan

Meron ding mapagsamantala sa kapwa
Nilalamangan ang mga kaawa-awa
Ginagamit ang kanilang talino
Upang paikutin ang ibang tao

Sa kabilang banda nitong sasakyan
Mayroon din namang busilak ang mga kalooban
Tinuruan sila ng kanilang mga magulang
At iyon ay maging mabuting mamamayan

Handang tumulong kung kinakailangan
Para ang kasamaan ay kanilang mapigilan
Hindi humihingi ng kahit anong kapalit
Dahil ang kabutihan ay hindi dapat mawaglit

Katungkulan natin sa ating bayan
Huwag kaligtaan at laging isaalang-alang
Katiting na kabutihan, mamayani sa mamamayan
Dahil pag-unlad ng bayan ay abot tanaw lamang

Tuesday, June 14, 2011

Wanted Textmate

Isang araw habang ako ay nakahiga sa aking higaan, bigla kong naisip na maghanap ng kausap na hindi ko pa kilala o nakikita. Habang umaakyat ang sikat ng araw sa aking kwarto ay saka naman ang pagpasok ng isang ideya sa aking utak. Dali-dali akong naghilamos at nag-ayos ng sarili. Kumain ng almusal at nagsipilyo. Pagkatapos ay pumunta sa pinakamalapit na computer shop. Binuksan ko agad ang Mozilla Firefox na web browser at hinanap sa Google ang salitang textmate. Maraming lumabasa sa aking paghahanap. Isa-isa kong pinuntahan ang bawat website at tinignan kung naroon ang aking hinahanap. Halos sampung website aking napuntahan ngunit bigo pa din ako. Pinuntahan ko muna ang paborito kong website na tenmanga.com  at tinignan kung mayroon na bang mga updates sa sinusubaybayan kong manga. Wala pa ring nagbago kaya pumunta naman ako sa watchop.com para tignan kung may bagong episode iyong One Piece. Wala ring bago sa website. Nag-isip-isip muna ako ng gagawin tapos ay sinubukan kong ilagay sa search bar ang salitang wanted textmate. Bumulaga sa aking mata ang website  na wantedtextmate.com. Pinuntahan ko ang site at tinignan kung anong meron doon. Sinabi ko sa sarili ko na ito na nga ang hinahanap ko. Kitang kita ko ang mga numero ng iba't ibang mga tao na naghahanap din ng bagong kakilala sa pamamagitan ng cellphone. Inisa isa kong basahin ang mga nakasaad sa bawat numero na mga mensahe. May nakita akong naghahanap ng lalaking textmate. Agad ko namang kinuha ang numero niya at nilagay sa aking cellphone. Pagkatapos ay naghanap pa ako ulit. Marami akong nakuhang numero at lahat ay inilagay ko sa aking cellphone. Pagkatapos ay umuwi na ako sa apartment. Isa-isa kong pinadalhan ng mensahe ang mga numero. Naghintay ng ilang sandali at biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na may bago akong mensahe galing sa isang numero. Binasa ko ang mensahe at sinagot ang kanyang text. Ilang beses din kaming nagpalitan ng mga mensahe hanggang lagi na kaming magkausap sa cellphone. Nawili ako sa aking bagong tuklas na website. Kapag may oras ako ay lagi ko itong binibisita para maghanap ng bagong kakilala. Naging bahagi na siya ng aking pang-araw-araw na gawain. Kayo may bago ba kayong nalaman sa Internet? Pwede kayong sumali at ibahagi sa akin ang inyong mga bagong tuklas na mga bagay mula sa Internet. Hanggang sa muli po, ako ang inyong tagapagtuklas na si JasperTore.