Saturday, June 2, 2012

Realidad ng buhay

Habang ako ay pauwi galing trabaho biglang bumalik ang aking mga alaala ng aking kabataan. Mga bagay na masasaya ng ako ay nasa hayskul pa hanggang naisip ko na lang na hindi na ito maibabalik pa. Kaya pala siguro lagi na lang nilang nasasabi na mabuhay dapat ng walang pagsisisi at sulitin natin ito dahil ang mga panahon na iyon ay hindi na maibabalik pa. Hanggang pagbabalik tanaw na lamang ang tanging magagawa natin at wala ng iba. Ngayon ako ay nasa tamang edad na para buhayin ang aking sarili, hindi na dapat humingi ng baon sa magulang o mga kapatid. Malaya na ako kung maituturing ng iba pero meron pa rin akong mga responsibilidad na hindi ko maaaring iwan na lang.

Ang mga nagdaang panahon ay para hangin lang na dumaan at humaplos sa aking katawan. Kahit anong pilit mong habulin ito ay hindi mo mahuhuli at mahahabol. Mabilis siya at mailap. Kahit saan ay makikita mo siya ngunit hanggang doon na lang iyon. Iniisip ko ngayon ay ang paraan kung paano ako kikita ng malaki upang matustusan ang aking mga gastusin at pangangailangan. Marahil mapalad na ang ibang kaedad ko na may mga magulang pa rin na handa silang bigyan ng panustos sa kanilang mga gastusin o hindi kaya may magagandang hanapbuhay na kaya silang buhayin hanggang sila ay nabubuhay sa mundong ibabaw.

Noong araw ay marami sagana kami sa pagkain at panggastos. Hindi naman kami mayaman. May tamang panustos lang sa mga pangangailangan. Maraming lupa ang lola ko na minana niya lang sa kanyang mga magulang at kasama na rin dito ang mga naiwan na ari-arian ng aking lolo ng ito ay yumao bago pa ikasal ang ama ko. Noon sagana ang buhay, maraming pagkain sa hapag at pinamimigay pa nga ng lola ko ang sobra sa kanyang mga katiwala sa mga lupa. Naglalaro kami noon ng mga kapatid ko sa mga sako ng palay na inani galing sa bukid. Minsan pinagagalitan kami dahil maaari naming mabutas ang mga sako at matapon ang mga palay sa loob. Sadyang masaya ang mga araw na iyon ngunit hindi na ngayon.

Habang sinusulat ko ang mga talata ng aking kaisipan sa harap ng kumpyuter ay iniisip ko din ang mga mangyayari sa akin pagkatapos ko ng aking kurso. Anong trabaho kaya ang naghihintay sa  akin? Sapat na kaya ang sahod na makukuha ko sa aking unang trabaho pagkatapos ng kolehiyo? Maibabalik ko pa ba ang dating buhay na kinagisnan noong bata pa ako? Sana malaman ko ang mga kasagutan sa lalong madaling panahon.

Thursday, May 31, 2012

kalituhan sa aking isipan

Hindi ko lubos maisip na darating ako sa punto ng aking buhay na kailangan kong mamili sa kung ano ang aking tatahakin na landas. Papasok ba ako bilang isang inhinyero o magiging isang mananaliksik para sa isang malaking kumpanya. Wala akong balak na umalis ng Pilipinas para magtrabaho. Maraming trabaho ang pwede kong pasukan dito pero hindi nga lang mataas ang sahod kumpara kapag nasa ibang bansa ka. Sumagi tuloy sa aking isipan kung ano ba ang mapapala ko dito sa ating bansa kung mamalagi ako. Marahil maaari akong makatulong sa iba pero paano naman ang aking sarili? Maraming katanungan ang sumasagi sa isipan ko ngunit hindi ko mahanap ang mga kasagutan. Isang masakit na katotohanan na kailangan nating lumisan sa bayang sinilangan upang kumita ng malaking halaga. Pero ano nga ba ang kapalit ng paglisan natin? Natanong niyo ba ito sa inyong sarili kahit minsan? Malaki ang kapalit na kabayaran ng ating pag-alis. Hindi pera pero ang panahon na lilipas na malayo tayo sa ating mga mahal sa buhay. Isang mapait na katotohanan na karamihan sa atin ay nakakaranas. Mismo ang ating bansa ay naghihikahos din kahit sabihin natin na umuunlad ng paunti-unti ang ating ekonomiya. Marami pa rin sa atin ang walang mahanap na trabaho na angkop sa kanyang tinapos na kurso. Bakit nga ba tayo kailangang umalis? Pwede namang maghanap dito sa ating bansa at tumulong sa iba para mismo ang ating bayan ang manginginabang sa ating mga talino at talento. Mas magagaling ang mga Pilipino kumpara sa mga dayuhan ngunit bakit tayo naghihirap at ang iba ay patuloy sa pag-unlad? Ano ba ang meron sila na wala tayo? Puro katanungan na lang ang binibigay ko sa inyo ngunit ang lahat ng ito ay may kabuluhan. Kung isa-isa nating bibigyan ng kasagutan ang bawat tanong iyan mismo ang kasagutan sa ating kahirapan. Hindi niyo ba naisip na palaguin ang ating sariling teknolohiya para matapatan ang sa mga dayuhan. Gamitin ang ating natatanging talento at talino para mismo sila ang pumunta rito at hindi na natin kailangan pang mangibang bayan katulad ng karamihan na ang nagiging trabaho ay katulong o utusan ng mga mapanghamak na dayuhan. Madalas pa nga nila tayong yurakan at tapakan ang ating pagkatao. Ngunit hindi pa rin tayo nadala at patuloy sa paglisan. Kailan ba natin maiisip ang mga ganitong bagay? Kung huli na ba ang lahat para baguhin ang kalakaran ng mundong ginagalawan? Sana meron sa inyo na nakaisip nito at kahit minsan ay tanungin sa inyong mga sarili kung ano nga ba ang mangyayari kung tayo ay tutulong sa pag-unlad ng bayan. Hindi lang naman pera ang batayan sa pagpapalago ng ating ekonomiya. Maraming paraan at alam kong alam niyo ang sagot diyan.

Thursday, March 8, 2012

Patawarin Mo Ako

Paano kaya ako makakabawi binibini?
Upang ang kirot at hinanakit ay sa iyo mapawi
Maraming kasalanan na hindi na mabilang
Masakit sa iyong kalooban dahil paulit-ulit lang

Hindi ko rin mawari sa aking sarili
Kung bakit ko nagawa ang mga pagkakamali
Magulo ang aking isipan at nagugulumihanan
Nababalisa, hindi mapakali sa aking pagkakamali

Nagdurugo ang iyong puso, nag-aalab sa galit
Hindi mo makubli sa sarili ang hinanakit at pait
Maraming beses ka nang lumuha sa mga pagkakamali ko
Minahal mo ako ng buong-buo at higit pa sa sarili mo

Mahirap pawiin ang nagdurugo mong puso
Dahil kahit anong gawin ko ay ito ay makakapaso
Kaya narito ako lumuluhod sa harap mo nagsusumamo
Patawarin mo ako sa aking pagwawalang kibo

Marahil hindi mo pa rin tanggap ang mga pangyayari
Dahil binigay mo na rin sa akin ang iyong pag-aari
Pero umasa ka sa aking sasabihin sa iyo
Minahal kita noong umpisa ngunit nawala na lang ito

Sa maiksing panahon na tayo'y nagkasama
Ipinaramdam mo sa akin ang aking halaga
Ako na isang hamak na nilalang na nag-iisa lamang
Matagal nang naghahanap ng pagmamahal katulad ng sa isang magulang

Hindi mo ramdam ang aking pagsisisi
Walang iyak at hikbi ang iwinaglit ng sarili
Dahil sinumpa ko sa aking sarili bilang isang lalaki
Ang mga iyak at hikbi ay dapat ikinukubli

Marami akong dahilan at hindi gumagawa ng paraan
Iyan ang sinabi mo sa akin mula sa iyong kaibigan
Mahirap ang magdahilan iyan ang hindi mo alam
Ngunit ang gumawa ng paraan ay magpakailanman

Ngayon ay susumahin ko ang aking nararamdaman
Mga bagay na hindi nasabi noong ikaw ay katabi lamang
Maraming salamat sa maiksing panahon na tayo'y nagkasama
Kahit masakit ang ating hiwalayan, ang maiksing panahong iyon ay hindi ko malilimutan

Sa huli narito ako at nagsisisi, lumuluhod at nasa sa iyong 'mercy'
Ikaw na ang bahalang magpasya kung ang kapatawaran ba ay igagarantiya
Basta ang laman ng aking sarili ay nasabi ko na
Ikaw na ang bahala kung mapapatawad mo pa

Monday, July 4, 2011

MatE 123

Ito ang pagpapatuloy ng kwento ko sa klase na ito. Sa pangalawang pagkikita namin sa klase ay hindi na ako nagpahuli pa muli. Maaga akong pumasok at binili ko na rin ang mga kailangan para sa pagsisimula ng klase. Lingid sa kaalaman ko ay meron pala kaming maikling pagsusulit tungkol sa aming gagawing experiment. Dali-dali kong binuklat ang laboratory manual at binasa ang laman nito tungkol sa unang experiment. Madali ko namang naintindihan ang nilalaman at naghanda na ako para sa quiz.

Nang dumating si Sir ay may sinita siya agad tungkol sa tamang paggamit ng clean shoes.Dito ko napagtanto na mhigpit nga si Sir sa mga alituntunin at patakaran sa laboratory. Lalo akong naging maingat sa mga kilos ko at baka ako ay mapagalitan. Nang makapasok na kami sa loob ay sinabi niya ang mga ayaw niya na gawin ng isang mag-aaral sa kanyang klase.

Habang ginagawa namin ang unang experiment ay nagtanong siya kung sino ang may musika sa kanilang mga cellphone. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Gusto niya raw ng musika para hindi nakakaantok ang aming klase. Pwede raw makinig sa mga tugtog habang hinihintay ang susunod na gagawin.

Dito ko naisip na hindi naman pala siya seryosong tao. Mahigpit lang siya dahil ayaw niyang maging hindi maingat sa gamit ang kanyang mga mag-aaral. Nakahinga ako ng maluwag sa pangyayaring iyon. Akala ko talaga ay malas ako sa nakuha kong laboratory instructor. Iyon naman pala ay maswerte pa ako.

Hindi mo talaga basta pwedeng husgahan ang isang tao sa kung anong nakita mo sa kanyang kilos. Kailangan mo pang alamin kung bakit ginawa niya iyon upang makasiguro sa iyong iniisip tungkol sa kanya.


Wednesday, June 29, 2011

VMobile Technologies Inc

BE A LOAD DEALER/RETAILER EARN P500 up to P30,000 per Day

ARE YOU A STUDENT,UNEMPLOYED, STAY-AT-HOME MOM, TAMBAY, O PROFESSIONAL NA NAGHAHANAP NG TRABAHO, BUSINESS O EXTRA INCOME?? PUWES TAMA KA SA NAPUNTAHAN MO.


Earn from PHP500 up to PHP30,000 per day


If you are looking for a business that:


Affordable and small Capital
Requires no High Education
Can be used everywhere even abroad
Have products that a lot of people need and want
Provides leverage on PEOPLE and money


Why Choose to Market Lifetime Discount on Load/Prepaids Over Beauty and Wellness or Food Cart Franchising Business?


Based on NTC: 80 million cellphone users
Subscriber Forecast: 85 million in 2010
More than 95% of the mobile phone subscribers are prepaid.
We sent 900 million to 1 billion ‘text’ (SMS) messages daily: Texting Capital of the World
The wireless telephony penetration is expected to reach 74.1% of the population in 2010.
The average operator-wide ARPU in the Philippines is forecasted to be at US$5.47 (approximately PhP246) per user.- Expected average annual growth of 12%.




VMOBILE DEALERSHIP AND RETAILERSHIP ANG PARA SA’YO







Turn you Cellphone from an Expense-Generating Device into an Income-Generating Device. Enjoy up to total of 14% discount on Load and Prepaid Consumptions. Save and earn up to a Total of P64,500 in just 7 Months.


UNIQUE FEATURES:
1. Multi-Access – Kapag ikaw ay registered retailer o dealer, puede ka magbenta ng mahigit sa 300 eload o prepaid products, katulad ng smart, talkntext, globe, tm, sun o red mobile.
2. Multi-User – Sa isang pamilya na registered retailer o dealer, kahit sino sa pamilya ay puwedeng magbenta gamit ang isang account sa loadxtreme, saan man sila sa mundo gamit ang cellphone o internet.
3. Not Sim Dependent – Puede kang gumamit kahit anong cellphone o sim basta tandaan lang ang ID# at PIK. Kahit hindi mo dala o mawala ang sim o cellphone tuloy tuloy pa rin ang negosyo.


ADVANTAGES:
1. Convenience – You can Load to Yourself Anytime and Anywhere, No need to go to the Store to buy a load.
2. Savings – You can save up to 10-11% of cellphone load consumption and various products .
3. Security – In case of loss of phone or SIM, your money in the load wallet is still safe in the LoadXtreme Sytem.
4. Accessibility – You can use OTHER cellphone or SIM to access your LoadXtreme Account.
5. All Access Prepaid – You can access Smart, TalkNTxt, Globe, Touch Mobile, Sun, Red Mobile, Internet Cards, Online Games, PLDT, Insurance, LBC Flowers and more! You can LOAD and SELL to ALL NETWORKS!
6. Internet Based – You can Load, Reload and Transfer Load thru the loadxtreme website. Monitor all the IN and OUTS of your Load wallet.
7. Family Budget Friendly- Share your Account and PIK to your love ones so they can also use it thru their cellphone anytime and anywhere. You can also monitor your in and outs usage by simply log in the LoadXtreme website.
8. One Loadwallet for ALL 300 PRODUCTS - that you can use for almost 300 eload and prepaid products anytime, anywhere.

For More Infos, You May Contact Me at:
(GLOBE):09063036109
(SMART):09298411938

Tuesday, June 28, 2011

...ang araw na nagbago ang buhay ko

Lumaki ako sa isang middle class na pamilya. Pero kahit ganoon ay hindi ako nakaranas ng ginhawa sa aking buhay. Pito kaming magkakapatid at laging pera ang usapan ng pamilya. Kung hindi utang ay kuryente at tubig, school fees, tuition fees, projects at kung anu-ano pa. Hindi na bago sa akin ang ganitong buhay pero naisip ko rin naman na sana ay dumating ang panahon na ibang bagay naman ang pag-uusapan ng pamilya. Yung mga bagay na mas mahalaga pa sa pera. Katulad na lang halimbawa kung maayos ba ang buhay ng bawat isa sa amin. Kaya naman ako ay gumawa ng paraan para kumita ng pera sa mabuting paraan na walang linalabag na batas at walang natatapakan na tao. Hindi naman ako nabigo sa aking paghahanap. Dumating sa akin si VMobile Technologies Inc.  Noong una ay retailer  ako ng load tapos naisip ko din na maging isang dealer kung saan ay mas malaki ang income na pwede kong makuha. Matagal bago ako naging isang technopreneur o dealer, dahil na rin sa hindi ko namanage ng mabuti ang pagiging load retailer o technouser.

Dalawang taon ang lumipas bago ako naging isang ganap na technopreneur. Hindi na ako ngayon nagsayang ng oras. Dali-dali kong pinakalat sa mga kakilala ko ang LoadXtreme. May mga nahikayat din naman akong maging mga technousers. Ang masasabi nila ay hindi sila nagsisi sa pasya nilang maging isang load retailer. Isang linggo pagkatapos kong sumali ay nakabili ako agad ng pangalawang account ko na technopreneur. Mabilis ang pagbenta ng kalakal dahil sa malakas ang pangangailangan ng mga tao rito. Kahit mahirap ang buhay sa Pilipinas ay hindi mahirap ibenta ang load dahil sa patok ito sa masa at sa ating mga Pilipino.

Ang masasabi ko lang ay nararamdaman ko na ang pag-unlad ng aking buhay at ng mga taong nagtiwala sa akin nakikita sila rito sa negosyo. Hindi pa huli ang lahat para magbago ang buhay mo kaibigan. Kung gusto mong umasenso ay magtiwala ka lang at siguradong tiyak ang asenso na hinahangad mo. 

Sa mga interesadong sumali sa negosyo ay huwag mahiyang magsabi sa akin. Maaari niyo akong i-email sa email address  na ito, jaspertore@gmail.com o kaya i-text sa 09063036109. Sundin laman ang ganitong format, Name, Age, Address at ang inyong mensahe. Maraming salamat po!

Monday, June 27, 2011

...isang araw ng pagbubulay-bulay

Wala akong magawa ngayong araw kaya nandito ako nakaharap sa monitor ng computer. Nag-iisip kung ano ang magandang isulat sa aking blog ngunit mahirap pilitin ang aking sarili dahil ang aking sarili mismo ay hirap na gawin ang gusto ko. Ano ba ang halaga ng isang araw na tinatamad kang gawin ang mga bagay na dapat ay gagawin mo? Bakit kailangang may ganitong sandali sa ating buhay kung saan ay nagmumuni-muni ka sa mga bagay-bagay dito sa mundo. May puwang ba ito sa buhay ko? Ano ba ang mapapala ko sa sandaling ito?

Nakakatuwang isipin na ang Panginoon ay may sariling paraan para tayong mga nilalang sa lupa ay magkaroon ng oras upang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa ating buhay. Masama man o mabuti, basta ito ay nangyari sa atin. Hindi mahalaga kung napasama ka nito o napabuti bilang isang tao. Ang mahalaga ay matutunan natin ang mga aral na dapat ay napulot natin sa mga karanasang iyon. Marahil ay isang paraan ito ng Panginoon upang kausapin tayo sa pamamagitan ng ating konsensiya. Isang araw ng pagbubulay-bulay.

Minsan nakakatuwang isipin na ang mga simpleng araw dito sa mundo ay siya palang pinakamahalagang sandali ng ating buhay. Nagsisilbi itong bintana ng ating buhay. Dito makikita natin kung ano pa ba ang dapat nating gawin upang mabuti natin ang ating mga sarili at nang maging kaaya-aya tayo sa paningin ng ating mahal na Panginoon. 

Lahat kaya ng tao ay katulad ko na mayroong ganitong sandali ng kanilang buhay na nakakapagbalik-tanaw sila sa nakaraan at naiisip nila ang kahalagahan ng mga ito sa kanilang mga sarili? Ang hirap isipin na ang isang payak na bagay ay maaaring maging pinakakomplikado at pinakamahalaga sa ating buhay.